GMA Logo Alden Richards and Bea Alonzo
What's on TV

Start-Up PH: The trending elevator scene

By EJ Chua
Published November 17, 2022 6:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

De Lima files bill to improve free Tertiary Education Law
Third-culture kid

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards and Bea Alonzo


Napanood n'yo ba ang pinag-usapang elevator scene ng Team TrisDan?

Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin sa Twitter ang latest episode ng Start-Up PH na may hashtag na #Stranded.

Ang elevator scene na ito ay ipinalabas kahapon, November 16, sa GMA Telebabad, kung saan napanood na magkasamang na-stuck sa elevator sina Tristan 'Good Boy' Hernandez (Alden Richards) at Danica 'Dani' Sison (Bea Alonzo).

Ilang minuto ang nakalipas matapos ma-stuck ang dalawa, nag-panic attack si Tristan at naalala niya ang isang parehas na sitwasyon na naranasan niya noong siya ay bata pa.

Biglang nanumbalik sa kaniya ang naranasan niya nang ikinulong siya ng kaniyang tiyahin sa loob ng isang cabinet.

Samantala, nang mapansin ni Dani na hindi na makahinga nang maayos ang kaniyang mentor, agad niyang tinulungan ito.

Ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang mapakalma si Tristan habang nasa loob pa sila ng elevator.

Habang naghihintay, tila hindi na napigilan ni Tristan na sabihin kay Dani ang nararamdaman niya para sa dalaga.

Kasunod nito, nabuksan na ang pinto ng elevator at labis na nagulat sina Davidson (Jeric Gonzales) at Three Sons Tech Boys nang makita nilang tila sobrang concern at sweet sina Tristan at Dani sa isa't isa.

Ang episode na ito ay nag-trending sa Twitter kagabi, at hindi maikakaila na maraming netizens ang namangha sa ipinamalas na husay sa pag-arte nina Alden at Bea para sa elevator scene.

Sa isang interview, ibinahagi ni Alden na isa ang eksenang ito sa mga pinaka-challenging na scene na nagawa niya para sa serye.

Pahayag ni Alden, “Isa yan sa mga pinakamahirap na scenes na nagawa ko for Start-Up kasi sa original Start-Up, wala naman talaga siya e. Walang ganoong anggulo si 'Good Boy' na mayroon siyang claustrophobia.”

Panoorin sa video na ito ang trending na elevator scene:

Patuloy na abangan ang iba pang exciting na episodes sa Start-Up PH, mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay mapapanood ito sa oras na 11: 00 p.m.

Ipinapalabas din ang programa sa Kapuso Livestream at GMA Pinoy TV.

Maaari ring balikan ang previous episodes ng serye dito.

SILIPIN ANG THANKSGIVING PARTY NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: