GMA Logo Alden Richards and Bea Alonzo
What's on TV

Start-Up PH: Tristan at Dani, nagkahiwalay agad?

By EJ Chua
Published December 22, 2022 5:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards and Bea Alonzo


Napanood n'yo ba ang nakakaiyak na eksena nang magdesisyon si Tristan na makipagbreak na kay Dani? Panoorin DITO:

Bago ang nalalapit na pagtatapos ng GMA drama series na Start-Up PH, naging komplikado pa ang relasyon nina Danica 'Dani' Sison (Bea Alonzo) at Tristan 'Genius Boy' Hernandez (Alden Richards).

Matapos sugurin ni Tristan si Davidson 'Genius Boy' Navarro (Jeric Gonzales), pinuntahan siya ni Dani at kinompronta dahil sa kaniyang ginawa.

Ang buong akala ni Dani ay simpleng pagseselos lang ang nararamdaman ni Tristan laban kay Davidson.

Hindi alam ni Dani na sinabi ni Davidson kay Tristan na gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang mabawi ang dalaga.

Ayon kay Tristan, ginagamit lang ni Davidson ang project ng Future PH para mas mapalapit kay Dani ngunit hindi naniwala ang dalaga sa sinabi ng kaniyang boyfriend.

Imbes na kumustahin ay kinompronta pa ni Dani si Tristan at labis itong nasaktan dahil hindi niya akalain na tila mas papanigan ng kaniyang girlfriend si Davidson.

Dahil masasakit na salita na ang kaniyang narinig, naramdaman ni Tristan na hindi na tama ang mga nangyayari at tila hindi na maaayos pa ang kanilang relasyon.

Ang kanilang pag-uusap ay nauwi na sa hiwalayan at doon na bumuhos ang luha nina Tristan at Dani habang iniisip kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa.

Panoorin ang nakakaiyak na eksenang ito:

May pag-asa pa kayang magkabalikan sina Tristan at Dani?

Abangan ang lahat ng kasagutan sa huling dalawang gabi ng Start-Up PH mapapanood mamaya at bukas ng gabi, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipapalabas ito mamaya, 11:30 p.m., at bukas, sa oras na 11: 00 p.m.

Ipinapalabas din ang programa sa Kapuso Livestream at GMA Pinoy TV.

Maaari ring balikan ang iba episodes ng serye dito.

Samantala, silipin ang ilang eksenang mapapapanood sa serye ngayong Huwebes ng gabi sa video na ito:

SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: