
Isa sa inaabangan ng mga Kapuso sa Start-Up PH ay ang mga rebelasyon at mga kapana-panabik na mga eksena sa pagitan nina Tristan Hernandez (Alden Richards), Danica Sison (Bea Alonzo), at Davidson Navarro (Jeric Gonzales).
Ngunit bukod dito, kaabang-abang din kung paano aaminin ni Tristan kay Lola Joy (Gina Alajar) na matagal na siyang may gusto sa apo nito.
Mula nang makiusap si Lola Joy kay Tristan noong bata pa lang ito na magpanggap bilang si Davidson, mas nakilala ni Tristan si Dani.
Sa pamamagitan ng mga liham na ipinapadala nila ni Lola Joy kay Dani, unti-unting nalaman ni Tristan ang ugali at mga bagay na kinahihiligan nito.
Nang magdesisyon si Tristan na lumayo at mamuhay nang mag-isa, hindi na niya muling nakausap ang mag-lola.
Makalipas ang mahabang panahon, muling nagkrus ang landas nila Dani at hanggang sa ngayon ay nananatiling sikreto ang lahat ng ginawa nila noon ni Lola Joy para pasayahin si Dani.
Mula nang makasama niya sa SandboxPH ang dalaga, tila bumalik ang paghanga niya rito at kapansin-pansin na handa si Tristan na protektahan si Dani mula sa sinumang gustong manakit o manloko sa kaniya.
Mamayang gabi, mukhang mapapaamin na si Tristan kay Lola Joy tungkol sa tunay na nararamdaman niya para kay Dani.
Ito na nga ba ang tamang panahon para aminin ni Tristan kay Lola Joy ang feelings niya para kay Dani?
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Lola Joy?
Panoorin ang video na ito:
Huwag palampasin ang susunod na mga kaganapan sa Start-Up PH mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay mapapanood ito sa oras na 11: 00 p.m.
Ipinapalabas din ang programa sa Kapuso Livestream at GMA Pinoy TV.
Maaari ring balikan ang iba episodes ng serye rito.
SAMANTALA, TINGNAN ANG LADY BOSS LOOKS NG START-UP PH STAR NA SI KIM DOMINGO SA GALLERY SA IBABA: