What's on TV

‘STARTALK’ patuloy na namamayagpag!

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 22, 2020 11:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

ICI calls for probe on Cabral’s death
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi na talaga matibag ang STARTALK pagdating sa paghahatid ng mga maiinit at esklusibong showbiz scoops at balita tuwing Sabado ng hapon. Kaya naman ito aypatuloy na namamayagpag sa ere sa mahigit na labing-anim na taon.

Pinangungunahan ng mga respetadong showbiz authorities ng bansa na sina Lolit Solis, Butch Francisco, Joey de Leon at Ricky Lo – sisiguraduhin nilang mas eksklusibo at mas kaabang-abang ang inihanda nilang episode ngayong Sabado.
 
Asia’s Songbird Regine Velasquez at Survivor Host Richard Gutierrez, haharap sa mga maiinit na tanong na ibabato ng mga Startalk hosts!
 
Sasalang naman sa hot seat ang mga live guests na mula sa mga pinakabagong shows ng GMA ang ALICE BUNGISNGIS na pinagbibidahan nina (Bea Binene, Jake Vargas, Derrick Monasterio and Lexi Fernandez kasama sina Sef Cadayona, Sheena Halili, Benjie Paras) pati ang mga bida ng BROKEN VOW (Bianca King, Rochelle Pangilinan, Gabby Eigenmann and Luis Alandy).
 
Bibisita rin sa Startalk ang mga bida ng Ikaw Lang ang Mamahalin na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio at Joyce Ching.
 
At para maghatid ng saya, ang mga Eat Bulaga Dabarkads hosts na sina Jose at Wally ay sasagot sa mga intrigang kinakaharap nila.
 
At sa patuloy na pangunguna ng STARTALK, mas lalo nilang pagbubutihin at ipagpapatuloy ang paghahatid ng totoo, wasto at may kabuluhang showbiz balita tuwing Sabado.
 
Kaya huwag ng pahuhuli sa birada ng mga intriga at ang pagbisita ng mga malalaking artista sa STARTALK ngayong Sabado (February 4, 2012) pagkarapos ng Eat Bulaga sa GMA.