Para sa maraming kababaihan, ang kanilang bag ay hindi lamang lalagyan ng mga gamit. Ito ay form of expression o parte rin ng kanilang identity.
May iba't ibang tukso sa mundo. Ang iba, natutukso sa pisikal na kaanyuan. Pero meron ding natutukso sa mga mamahaling...
Posted by Karelasyon on Thursday, December 3, 2015
Sa mga tumatangkilik ng designer bag, ito ay status symbol din. Kapag mas maganda o mas mahal ang iyong bag, mas angat sa iba!
Maraming humahanga sa kagandahan ng mga designer bags. Pero paano kung humantong na ito sa hindi ma-kontrol na luho o obsesyon? Paano ito makakaapekto sa relasyon sa pamilya at mga mahal sa buhay?
Tunghayan ang kwento ng isang simpleng maybahay na nagbago ang ugali magmula nang ma-impluwensyahan siya ng mga kaibigan na mahumaling din sa mga designer bags.
Tampok sina Diana Zubiri, Ina Feleo, Nina Jose, at Ken Alfonso sa panulat ni Gay Domingo, direksyon ni Adolf Alix, Jr. at paglalahad ni Ms. Carla Abellana, abangan ang kwentong ito sa 'Karelasyon' ngayong Sabado, December 5, 2015, pagkatapos ng 'Eat Bulaga!'