What's on TV

Stay strong, Honey – Mommy D

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 14, 2020 9:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire erupts in Kuwait's Shuwaikh oil sector complex after drone attack —report
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



In love na in love nga si Mommy Dionisia Pacquiao. Nagsasabi na siya ng mga salitang "habang may buhay." 
Umuulan ng “I love you” ang mensahe ni Mommy Dionisia Pacquiao sa kanyang “honey” na si Michael Yamzon.

Isang seaman ang 40-year-old na si Michael, ang bagong boyfriend ni Mommy Dionisia, at ikinataas ito ng kilay ng marami.

Nagsimula ang six-month-old love story ng dalawa sa isang videoke party.

“Honey, sana ang pagmamahal natin habang may buhay. Kung babawiin tayo ng Panginoon, andyan na ang buhay natin…,” buong pagmamahal na bilin ni Mommy D sa panayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho na ipinalabas sa Startalk.

“I love you, Honey. Paka-strong ka diyan. Ingat ka. I love you, I love you, I love you, Honey. Mwah,” aniya, at nagpakawala pa siya ng flying kiss gamit ang dalawang kamay.

Survivor sa larangan ng pag-ibig si Mommy Dionisia. Iniwan siya ng unang asawa at naghiwalay naman sila ni Mang Rosalio, ang kanyang ikalawang asawa na ama ng boksingerong si Manny Pacquiao.



Kahit hangad niya ang kaligayahan ng ina, pinaalalahanan ni Manny Pacquiao si Mommy D.

“Sa buhay ng tao, hindi lahat ng gusto ng katawan, hindi lahat ng kaligayahan natin ay natutuwa ang Panginoon. So dapat ingatan natin na huwag nating gawin ang para lang sa ating sarili – na masaya tayo sa ginagawa natin pero labag naman sa (utos ng) Panginoon,” bilin ni Manny.