
Isang bagong Korean series ang handog ng GMA ngayong Nobyembre. Ito ang Stealer: The Treasure Keeper, ang seryeng tiyak na nanakawin ang bawat gabi ng Pinoy viewers.
Bida sa action-drama series na ito ang Korean actor na si Joo Won na gagampanan ang dalawang katauhan- si Darwin na isang civil servant at si Skunk na isa namang mysterious thief.
Bukod sa kanya, tampok din dito ang Korean stars na sina Lee Joo-woo, Jo Han-chul, Choi Hwa-jung, at Kim Jae-Won.
Makikilala sila bilang unofficial cultural asset recovery group na Team Karma. Sila rin ang magiging kakampi ni Skunk sa kanyang mga plano at mga gagawin.
Paano kaya nila pagtutulungan ang pagpuksa at pagtugis sa mga hindi kayang pakialaman o sawatain ng batas?
Samantala, mapapanood din dito ang Korean veteran actor na si Lee Deok-Hwa, ang magiging kalaban ni Skunk at ng Team Karma.
Huwag palampasin ang pagsisimula ng Stealer: The Treasure Keeper, mapapanood na sa darating na November 4, sa GMA.