GMA Logo Stell Ajero
What's on TV

Stell, inamin ang kanyang tunay na relationship status

By Jimboy Napoles
Published September 12, 2023 6:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Stell Ajero


SB19 Stell, taken na nga ba?

Sumalang sa kanyang first solo live interview on TV via Fast Talk with Boy Abunda ang SB19 member at The Voice Generations coach na si Stell o Stell Ajero, ngayong Martes, September 12.

Dito ay masayang nakipagkuwentuhan si Stell sa batikang TV host na si Boy Abunda na nakasama niya na rin noon sa ilang interviews kasama ang fellow SB19 members.

Bukod sa matagumpay na karera, tinanong ni Boy si Stell kung paano nagsimula ang bansag sa kanyang “Forever Boyfriend,” ng SB19 fans na kung tawagin ay A'TIN.

Kuwento ni Stell, “Naisip ko lang po 'yun na gawing tagline sa mga concerts namin kasi meron po kaming inside joke ng A'TIN e. Ako po kasi 'yung pinakamakulit, nakikipagusap sa kanila.

“So, meron pong one time na in-interview kami, hindi ko na po maalala kung anong interview 'yun, tinanong po ako kung meron akong girlfirend and sinabi ko po, 'Wala.' Tapos lahat po sila nagtampo sa social media na parang, 'A, wala ka pa lang girlfriend. So, ano kami?' So sabi ko, 'A, gusto niyo pala ng ganitong klaseng biruan.'”

Pagbabahagi pa niya, “So, ever since po sabi ko, 'Sige dahil 'yan ang gusto niyo, ako na 'yung forever boyfriend niyo.' So, sa mga posts ko, sa mga lines na sinasabi ko or mga spiels ko sa concert namin lagi ko silang ini-include na ako 'yung boyfriend nila. Which is nakakatuwa kasi meron kaming ganung interaction.”

Paglilinaw naman ni Stell, katuwaan lamang nila ito ng A'TIN at hindi naman talagang sineseryoso.

Aniya, “Pero, may boundaries pa rin. Hindi po siya talagang sineseryoso ng A'TIN. Natutuwa po ako na meron kaming ganung klaseng connection po.”

Matapos ito, nilinaw naman ni Boy kung ano talaga ang relationship status ni Stell sa tunay na buhay.

Tanong ni Boy kay Stell, “Itatawid ko lang 'yun. Sa personal na buhay are you single?”

Mabilis naman na sagot ni Stell, “Yes po. Pero taken ng A'TIN.”

Samantala, patuloy na mapapanood si Stell bilang isa sa coaches ng The Voice Generations kasama sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Chito Miranda, at host nito na si Dingdong Dantes.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.