GMA Logo Stell, SB19, The Voice Generations
What's Hot

Stell ng SB19, may pabitin na announcement sa ATIN na dapat abangan ngayong August

By Jimboy Napoles
Published August 10, 2023 11:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

BI reminds foreigners to show up for 2026 Annual Report
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Stell, SB19, The Voice Generations


Ano kaya ang dapat abangan ng ATIN ngayong Agosto?

Nagbubunyi ngayon ang fanbase na ATIN around the globe dahil sa pagkapanalo ng kanilang iniidolong P-pop group na SB19 sa Billboard 2023 Fan Army Face Off.

Sa final round ng nasabing face off, nakatapat ng ATIN ang fans ng K-pop group na SEVENTEEN na kung tawagin ay Carats.

Dikit ang laban ng dalawa sa fan votes pero nanaig pa rin ang SB19 na nakakuha ng 43.1 million votes o 51.1 percent kumpara sa nakatapat na grupo na mayroong 48.9 percent of votes.

Sa isang Instagram live naman idinaan ng SB19 members na sina Pablo, Josh, Ken, Justin, at Stell ang kanilang pasasalamat sa ATIN.

Si Stell, may naging pabitin na announcement pa tungkol sa dapat abangan ng kanilang fans ngayong Agosto at sa darating na Setyembre.

“Thank you again. I love you, ATIN. Good night. See you, soon, and yeah, sa August 11 and September…" bitin na anunsyo ni Stell.

KILALANIN PA SI STELL SA GALLERY NA ITO:

Ngayong August na rin mapapanood si Stell bilang isa sa coaches ng inaabangang first-ever The Voice Generations in Asia sa GMA Network.

Samantala, sa pagtatapos ng American leg ng kanilang “Pagtatag” world tour, muli namang napanood ang SB19 sa American morning show na SB19 na Good Day New York kung saan isinayaw nila ang kanilang hit song ngayon na "Gento."

Nakatakda nang magtungo ang SB19 sa Canada para kanilang nasabing world tour.