
Puring-puri ng fans at ng netizens ang collab performance ng P-pop singer na si Stell at ng international singer-songwriter na si Jamie Miller sa The Voice Generations.
Sa episode ng singing competiton nitong Linggo, November 26, isang heartfelt opening number ang pinagsaluhan nina Stell at Jamie nang kantahin nila ang hit song ng huli na “Here's Your Perfect.”
Ito ang unang duet performance ng dalawang singer, pero 2021 pa lang ay inimbitahan na ni Jamie ng isang collab si Stell nang mapanood niya ang TikTok video ng huli na kinakanta ang kanyang nasabing hit song.
Hey @stellajero_ would you want to jump on here's your perfect the remix :)
-- Jamie Miller (@jamiemillmusic) July 20, 2021
Sa comments section ng kanilang performance video sa YouTube, bumuhos ang papuri sa dalawa lalo na kay Stell.
Ayon sa isang fan, kahit masama ang pakiramdam ni Stell ay nagawa pa rin nitong makapag-perform nang mahusay.
“You'd really like Stell after watching this but you'd admire him after knowing he's not feeling well when he performed this, like how is he still this good?? I really respect and admire you, Stell,” anang fan.
“Galing talaga so muchhhh! Grabe, finally talaga! Ang tagal nang hinintay 'tong duet nila pero sobrang worth it. Ang sarap pakinggan. I also really admire always how our Stell gives his all kahit na he's not feeling well. What a treasure. Jamie's also good!” dagdag pa ng isang netizen.
“I'm giving my full respect to Stell. He maintained being so professional while going through these tough times. Dito lang kami Stell,” mensahe naman ng isang fan.
Sa naturang episode, hindi rin napigilan ni Stell na maging emosyonal nang papiliin na siya kung sino sa dalawang natitirang grupo ng talents sa kanyang team na Stellbound na Fortenors at Vocalmyx ang dadalhin niya sa grand finals.
Matapos ang nakakadurog na pusong desisyon, pinili ni Stell ang Vocalmyx - ang grupo ng mga kabataang singers mula sa Cagayan De Oro.
Sa susunod na Linggo, ang Julesquad ni Coach Julie Anne San Jose at Parokya Ni Chito ni Coach Chito Miranda naman ang magkakaalaman ng matitirang teams na papasok sa grand finals ng The Voice Generations sa December 10.
Tumutok sa mas tumitinding labanan ng talents sa The Voice Generations tuwing Linggo, 7:20 p.m. bago ang KMJS. Maaari ring panoorin ang delayed teleacast 10:45 p.m. sa GTV.
Para sa mga Pinoy abroad, maaari ring mapanood ang The Voice Generations sa GMA Pinoy TV.
Para sa iba pang updates, magtungo sa www.GMANetwork.com.