GMA Logo My Love From Another Star
What's Hot

Stephanie, isang online seller na? | 'My Love From Another Star' Recap

By Cara Emmeline Garcia
Published November 3, 2020 2:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
'American Pie' star Shannon Elizabeth joins OnlyFans
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

My Love From Another Star


Naks! May bagong raket si Stephanie! Balikan ang mga nangyari sa 'My Love From Another Star:'

Dahil sa kanyang pagkakahalik kay Stephanie (Matt Peranee), tuluyang nanghina si Justin (Nadech Kugimiya) dahil allergic siya sa laway ng tao. Kahit ayaw pa man niyang aminin sa kaniyang sarili, ikinatatakot niya na baka ikamatay niya ang paghalik sa aktres.

Samantala, ipinakita na ni Derrick (Suriyon Aroonwattanakul) ang kanyang totoong kulay sa harap ni Justin.

Inakusahan ng alien-turned-professor na si Derrick ang naglagay ng hidden camera na nakita niya sa isang teddy bear.

Pero bitiw ni Derrick kay Justin, sa oras na magalit siya sa magkapitbahay ay si Stephanie ang unang masasaktan sa kanilang dalawa.


Dahil nasira na ang kanyang pangalan sa showbiz, nalubog sa sandamakmak na utang si Stephanie. Hindi na siya makapagbayad ng kanyang renta ng kanyang condo at nadeny rin sa pagkuha ng loan sa banko!


Patuloy na panoorin ang My Love From Another Star tuwing gabi, Lunes hanggang Huwebes, sa GMA Telebabad.