Article Inside Page
Showbiz News
Hindi pa man nagtatapos ang 'Carmela' kung saan lumabas si Stephanie Sol bilang Mithi Balaguer, ready na daw ang aktres para sa kanyang new project, ang 'Niño'.

Hindi pa man nagtatapos ang
Carmela kung saan lumabas si Stephanie Sol bilang Mithi Balaguer, ready na daw ang aktres para sa kanyang new project, ang Niño.
Ayon kay Stephanie, “I'm going to be part of a new show,
Niño. So abangan ninyo yan kasi medyo challenging 'yung role na 'yan. It's going to be my first time to play something like that”.
Hindi muna ibinigay ni Stephanie ang role na kanyang gagampanan. Aniya, “Secret muna, pero medyo na-challenge ako sa fact na 'yun 'yung role ko”.
Kuwento ni Stephanie, hindi pa sila nakakapag-taping. “We haven’t taped yet but we did our plug shoot and pictorial na. It was good, mostly the cast of
Niño is young. We’re also working with veteran actors like Gloria Romero so na-excite ako kasi first time ko makatrabaho nang ganoon and yung story niya iba. So we'll see how it goes”.
Sunod-sunod man ang kanyang projects, may mga roles pa raw na gustong gampanan ang commercial model turned actress. Saad niya, “I want parang action fantaserye. Or something challenging [tulad] ng may sakit. Basta something like that’.
Abangan si Stephanie Sol sa
Carmela at sa nalalapit na pagsisimula ng
Niño. Para naman sa updates mula kay Stephanie Sol at iba pang Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa
www.gmanetwork.com.
-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com