GMA Logo still finale
Source: OfficialGMAHOA (FB)
What's Hot

Still: Paalam, Daloy Himig Music Camp |Week 2 and finale recap

By Kristian Eric Javier
Published August 28, 2023 8:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga bumbero, naantala dahil sa ginawa ng isang rider | GMA Integrated Newsfeed
Guam delegation to arrive for Dinagyang Festival 2026
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News

still finale


Alamin ang naging journey ng campers at mentors sa 'Still.'

Sa pagpapatuloy ng journey ng campers sa Daloy Himig Music Camp sa Still, madidiskubre nila ang kanilang mga sarili, kung ano at sino ang tumutulak sa kanila mag-perform, ang mga takot at inaalala nila, at ang pagkakaibigan na nabuo sa camp.

Samahan sina Laura (Julie Anne San Jose), Sab (Gab Pangilinan), Iggy (Mike Shimamoto), Tugs (Abe Autea), Leigh (Lance Reblando), at Debbie (Gabby Padilla) sa pagsikubre sa kanilang mga sarili, at sina Kulas (Christian Bautista) at Annette (Bituin Escalante) na gumabay sa kanila patungo dito.

Sa pagpapatuloy ng Daloy Himig Music Camp at sa pagiging pasaway ng campers, hindi maiwasan ni Nikolas na alalahanin ang kanyang nakaraan at kung papaanong sikat na artist na sana siya noon.

Sa pagharap ni Nikolas sa kanyang nakaraan, kinuwestiyon din niya ang kanyang galing at kakayahan bilang isang mang-aawit.

Samantala, para ma-relax at mas makilala ng campers ang isa't-isa ay naglaro sila ng Truth or Dare, kung saan mula sa isang simpleng laro ay inamin ni Leigh na nasa huling piraso na siya ng gamot niya.

KILALANIN MULI ANG CAST NG MUSICAL SERIES NA 'STILL':

Sa pagharap ng mama ni Laura sa pandemya bilang isang nurse, nalaman ng dalaga na pumanaw na ito. Nasira ang string ng gitara niya at nang sinubukan ng ibang campers na tulungan siya ay nagalit lang ito sa kanila at sinira ito.

Sa labas, ibinuhos ni Laura ang galit at lungkot niya at sa huli ay natanggap na rin niya ang nangyari.

Sa pagtatapos ng Still, ay nagbalik ang mga aktor ng serye para sa isang reunion. Dito, binalikan nila ang mga naranasan nila sa gitna ng pandemya.

Nagbigay din ang mga ito ng pag-asa sa mga manonood na magiging maayos din ang lahat.