GMA Logo still recap
Source: OfficialGMAHOA/FB
What's Hot

Still: Welcome to Daloy Himig Music Camp | Week 1

Published August 14, 2023 5:19 PM PHT
Updated August 14, 2023 5:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

still recap


Kilalanin ang campers at mentors ng Daloy Himig Music camp sa 'Still.'

Welcome sa Daloy Himig Music Camp, na dinaluhan ito ng aspiring musicians para matuto at matulungan ang kanilang mga sarili na abutin ang mga pangarap nila.

Kilalanin ang campers na sina Laura (Julie Anne San Jose), Sab (Gab Pangilinan), Iggy (Mike Shimamoto), Tugs (Abe Autea), Leigh (Lance Reblando), at Debbie (Gabby Padilla) sa pagbuo ng musika at pagkakaibigan kasabay ng musika.

Kasama ang kanilang mentors na sina Kulas (Christian Bautista) at Annette (Bituin Escalante), maabot kaya nila ang kanilang mga pangarap? Ano nga ba ang dahilan nila sa pagpunta sa camp at bakit parang ine-interrogate sila? Sabi ni Leigh, nakita na lang niyang "nagkakagulo sila."

Ayon naman sa mentors na sina Kulas at Annette, kung ano mang ang gulong nangyari sa camp ay nagbigay ito ng "much-needed attention" sa kanila.

Dahil sa lockdown na dulot ng pandemic, stuck ang campers at mentors sa Balay, ang venue ng Daloy Himig Music Camp. Dahil gustong makauwi, nagplano si Sab at Joe at sinama ng dalaga ang kaibigan niyang si Laura, para makauwi na sa wakas.

Kaya lang, narinig ni Leigh ang plano nila pero sa halip na magsumbong ay nagpahayag ito ng kagustuhan sumama sa pagtakas, at tumulong magplano sa pag-alis nila.

KILALANIN ANG BUONG CAST NG ONLINE MUSICAL SERIES NA 'STILL' SA GALLERY NA ITO:

Sa kasamaang palad, hindi natuloy ang pagtakas nila at nahuli pa sila ng mga mentor, kaya naman kailangan nilang bumalik sa camp.

Ayon kay Laura, "To sing is to tell your truth twice." Kaya naman idinaan ng campers ang katotohanang pinaniniwalaan nila, tungkol sa pagpapatuloy ng buhay at sa ng pag-ikoyt ng mundo, sa isang awitin.

Sa awiting ito naipahayag ng campers na kahit cut off sila mula sa mundo ay nandito pa rin sila para ipagpatuloy ang kanilang mga awitin at paggawa ng mga kanta.

Samantala, nagkaroon naman ng komprontastyon sina Laura at ang kanyang mama na nagtatrabaho abroad tungkol sa pag-abot niya ng mga pangarap niya, isang bagat na hindi naiintindihan ng mama niya.

At dahil sa bad mood, kahit ang kaibigang si Sab, na gusto lang naman siya tulungan, ay itinaboy niya.

Dahil sa mga katagang "What's the point?" na ipinintura sa music hall ng camp, nawalan ng gana si Nikolas na ituoy ang pinaplano nilang tribute performance para sa frontliners, isang bagay na hindi natanggap ng mga campers.

Sa pag-amin ni Laura na siya ang gumawa nito ay nagalit at sumama ang loob ng mga campers. Magawa pa kaya nila ang tribute performance nila para sa frontliners ngayong ayaw na ni Nikolas at galit ang campers kay Laura?

Ano ang music camp kung walang song writing exercise? Kaya naman, bilang mentor, tinutulungan ni Kulas na sumulat ng kanta ang kanyang mga campers.

Ano nga ba ang inspirasyon ng mga campers sa pagsusulat nila ng mga kanta?