
Naniniwala na si Azon na si Lucy ang nasa katawan ni Farrah.
Para matapos na ang pagpapanggap ay hinarap ni Azon si Farrah para sabihin na alam na niya ang itinatagong sikreto. Dahil sa kanilang pagtatapat ay na-stroke si Azon.
Dinala nina Darius si Azon sa ospital. Dahil na-comatose si Azon ay nagplano sina Farrah at Belen na tapusin na ang buhay nito para hindi na mabunyag ang katotohanan kay Darius.
Habang nasa loob ng Critical Care Unit (CCU) si Belen para sa masamang balak kay Azon ay napansin ni Darius na naiwan niya ang kanyang cellphone. Pinigilan siya ni Farrah para hindi mahuli si Belen sa kanilang plano. Hindi nagtagumpay sina Farrah at Belen sa masamang plano kay Azon. Pagkauwi nila, tinakot ni Farrah si Azon dahil siya na ang mag-aalaga sa kanya.
Nakalaya na si Lucy mula sa pagkakakulong at hiniling niya kay Joyce na samahan siyang makita sina Darius at Cheska. Tinuturuan naman ni Cheska ang kaniyang lola na gumamit ng bell para mag-communicate sa pamilya. Nahuli sila ni Farrah at pinagalitan si Cheska dahil sa itinuturo kay Azon.
Itinakas ni Joyce si Azon para makapagkita sila ni Lucy, pero agad silang nahuli ni Farrah. Para hindi mabuko ang kanilang plano, nagpanggap si Joyce na wala siyang kinalaman sa pagkikitang ito. Idinahilan ni Joyce na imposibleng kasabwat siya ni Farrah dahil ayaw niya rito.
Abangan ang mga mangyayari kay Azon sa kamay ni Farrah at kung maililigtas ba siya ni Lucy sa Stolen Life. Tutukan ito sa GMA Afternoon Prime Pinoy Hits, Lunes hanggang Biyernes 3:20 p.m. Mapapanood din ang Stolen Life online sa Kapuso Stream.
Samantala, balikan ang cast ng Stolen Life: