GMA Logo Stolen Life
What's on TV

Stolen Life: Ang tapatan nina Lucy at Farrah

By Maine Aquino
Published November 28, 2023 7:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Artemis astronauts more than halfway to Moon, putting Earth in rearview
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Stolen Life


Habang minamahal ni Darius (Gabby Concepcion) si Lucy (Carla Abellana) ay lalo namang lumalalim ang galit ni Farrah (Beauty Gonzalez) sa 'Stolen Life.'

Nagkakamabutihan na sina Darius (Gabby Concepcion) at Lucy (Carla Abellana) sa ikalawang linggo ng Stolen Life. Pero dito rin nagsimula ang pagtindi ng galit ni Farrah (Beauty Gonzalez) sa kaniyang pinsan na si Lucy.

Sa pagsisimula nang magandang samahan nina Darius at Lucy ay gumawa ng paraan si Farrah para pigilan ito. Pero hindi ito magtatagumpay dahil sa lumalim ang pagtitinginan nina Darius at Lucy sa isa't isa.

Nauwi naman sa pisikalan ang pag-aaway nina Lucy at Farrah dahil sa gusto ng huli na layuan ng kaniyang pinsan si Darius. Dahil sa pangyayaring ito ay naisip ni Lucy na lumayo kay Darius para hindi na sila magkaproblema ni Farrah.

Naging opisyal na ang pagmamahalan nina Lucy at Darius. Ngunit hindi pa rin nagtatapos si Farrah sa kaniyang masasamang plano. Siniraan ni Farrah si Lucy kay Mamita (Celia Rodriguez) para hindi siya matanggap ng kanilang pamilya.

Nag-propose si Darius kay Lucy at nagplano na ang dalawa ng kanilang kasal. Nang mabalitaan ito ni Farrah ay nag-isip siya ng paraan para mapigilan ito. Naalala ni Farrah ang kuwento ng kaniyang ama tungkol sa astral projection.

Nagpanggap si Farrah sa paghingi ng tawad kay Lucy. Tinanggap naman ito ni Lucy pero ang hindi niya alam ay gagamitin na ni Farrah ang astral projection para maisagawa ang kaniyang planong pagsira sa kasal nito.

Marami pang aabangan sa Stolen Life kaya tutukan ito sa GMA Afternoon Prime Pinoy Hits, Lunes hanggang Biyernes 3:20 p.m. Mapapanood din ang Stolen Life online sa Kapuso Stream.

Samantala, kilalanin ang cast ng Stolen Life dito: