
Nalalapit na ang inaabangang world premiere ng GMA Afternoon Prime na Stolen Life.
Ang Stolen Life ay seryeng pagbibidahan ng mga hinahangaang Kapuso stars na sina Carla Abellana, Beauty Gonzalez, at Gabby Concepcion. Sila ay gaganap bilang sina Lucy, Farrah, at Darius.
Iikot ang kuwento ng Stolen Life sa babaeng "mananakawan" ng buhay dahil sa astral projection.
Inilahad ng headwriter ng Stolen Life na si Glaiza Ramirez ang konsepto ng astral projection.
"Isa itong supernatural phenomenon kung saan humihiwalay ang kaluluwa ng isang tao sa kanyang pisikal na katawan at nakakapaglakbay ito."
Sa bagong teaser ng Stolen Life ipinakita na ang pasilip sa astral projection at kung paano ito gagamitin para makanakaw ng katawan para sa buhay na kinaiinggitan.
Makakasama sa Stolen Life si Celia Rodriguez bilang Azon Rigor. Magiging bahagi rin ng bagong GMA Afternoon Prime series sina Divine Aucina bilang Joyce, Anjo Damiles bilang Vince, Lovely Rivero bilang Belen, at William Lorenzo bilang Ernesto.
Ang world premiere ng Stolen Life ay gaganapin sa November 13 at sasailalim sa direksyon ni Jerry Sineneng.