GMA Logo Never Say Goodbye cast
What's on TV

Stories From The Heart: Ang emosyonal na pagtatapos ng 'Never Say Goodbye'

By Dianne Mariano
Published November 26, 2021 10:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Never Say Goodbye cast


Abangan ang mga huling kaganapan ng 'Stories From The Heart: Never Say Goodbye' mamayang hapon sa GMA Afternoon Prime.

Mga Kapuso, handa na ba kayo sa huling araw ng kaabang-abang na Stories From The Heart: Never Say Goodbye?

Bilang pagbabalik-tanaw sa mga nakaraang kaganapan, dumiretso agad sa ospital sina Victoria (Lauren Young) at Lily (Kim Rodriguez) matapos madisgrasya ni Bruce dahil sa paghahanap nito kay Joyce (Klea Pineda).

Nang ibigay ng doctor kay Victoria ang mga nakuhang gamit ng kanyang asawa, nabasa nito ang sulat na binigay ni Joyce para kay Bruce.

Labis naman ang gulat ni Joyce nang malaman na nasa ospital ang dati niyang nobyo.

Ang pagbisita ni Joyce kay Bruce sa ospital ay humantong sa paghaharap nila muli ni Victoria.

Sinabi ni Joyce sa asawa ng kanyang dating minamahal na pumunta lamang siya upang sabihin kay Bruce na tuparin ang pangako nito, na kapag bumuti na ang kalagayan ng una ay hahayaan na niya ito at itatama ang kanyang mga pagkakamali.

Nasaksihan rin dito ang paghingi ng tawad ni Joyce kay Victoria dahil sa mga pangyayari na nakasakit sa huli.

Sa pagtatapos ng Never Say Goodbye, ano ang mangyayari sa relasyon nina Bruce at Victoria bilang mag-asawa? Tutuparin kaya ng una ang pangako nito na kalimutan na si Joyce at bumalik na sa kanyang mapagmahal na asawa?

Huwag palampasin ang huling araw ng Stories From The Heart: Never Say Goodbye mamayang 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, muling balikan ang mga nakaraang eksena ng Never Say Goodbye sa gallery na ito: