GMA Logo Jak Roberto and Klea Pineda
What's on TV

Stories From The Heart: Ang happy ending nina Joyce at Bruce sa 'Never Say Goodbye'

By Dianne Mariano
Published November 29, 2021 10:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magnitude 7.8 earthquake affects Sarangani and Davao Occidental shorelines
CT-TODA, Nangandam na sa Posibleng Kahuot sa Trapiko Karong Lunes | Balitang Bisdak
Check out this fun 'How to Train Your Dragon'-themed Viking adventure

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto and Klea Pineda


Sa huling linggo ng 'Stories From The Heart: Never Say Goodbye,' muling nagkabalikan na sina Joyce at Bruce matapos magparaya ni Victoria.

Sa ikaanim at huling linggo ng Stories From The Heart: Never Say Goodbye, labis ang tuwa ni Joyce (Klea Pineda) nang malaman na naging less aggressive ang cancer cells nito matapos sumailalim sa clinical trial.

Nang bisitahin nina Victoria (Lauren Young) at Bruce (Jak Roberto) si Joyce, nagulat ang una nang makita na tila bumubuti ang kondisyon ng ex-girlfriend ng kanyang asawa.

Sa pag-uusap ng dalawa, sinabi ni Victoria kay Joyce na gusto na niyang bawiin ang kanyang asawa dahil sa umaayos na kalagayan ng huli.

Naging desperado naman si Bruce na malaman kung nasaan si Joyce dahil bigla na lamang itong nawala at lumipat ng tirahan.

Nagkaroon din ng argumento sina Bruce at Victoria nang malaman ng una na mayroong kinalaman ang kanyang asawa sa biglaang pag-alis ni Joyce.

Matapos umalis sa kanyang bahay, 'di napigilang maging emosyonal ni Bruce matapos mabasa ang isang sulat mula sa dati nitong minamahal.

Dumiretso agad sa opsital sina Victoria at Lily (Kim Rodriguez) matapos madisgrasya ni Bruce dahil sa paghahanap nito kay Joyce. Labis naman ang gulat ng huli nang malaman na nasa ospital ang dati niyang nobyo at pinuntahan ito.

Sa paghaharap nina Joyce at Victoria, sinabi ng una na pumunta lamang ito upang sabihin kay Bruce na tuparin ang pinangako nito, na kapag mabuti na ang kondisyon ng una ay hahayaan na niya ito at itatama ang kanyang mga pagkakamali.

Bago umalis patungong U.S., inabot ni Victoria kay Bruce ang divorce papers upang maibalik ang kanyang dignidad at pakawalan na ang huli. Kahit gaano pa kasakit para kay Victoria, nagparaya ito upang manumbalik ang kaligayahan ni Bruce.

Nang mahanap ni Bruce ang kinaroroonan ni Joyce, agad niya itong niyakap at sinabing tinupad na nito ang kanyang pangako, pati na rin ang ginawa ni Victoria para sa kanila.

Isang happy ending ang naging wakas ng kuwento nina Joyce at Bruce sa Stories From The Heart: Never Say Goodbye.

Panoorin ang highlights ng huling linggo sa Never Say Goodbye rito:

Never Say Goodbye: Joyce's health is improving! | Stories From The Heart (Episode 26)

Never Say Goodbye: Time's up, Joyce! | Stories From The Heart (Episode 27)

Never Say Goodbye: Victoria's misery | Stories From The Heart (Episode 28)

Never Say Goodbye: Joyce begs on her knees | Stories From The Heart (Episode 29)

Never Say Goodbye: Victoria sets Bruce free | Stories From The Heart (Finale)

Never Say Goodbye: Happy ending for Bruce and Joyce | Stories From The Heart (Finale)

Samantala, tutukan ang ikatlong kuwento ng drama-anthology series na Stories From The Heart: Love on Air, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.