
Sa ikalimang linggo ng Stories From The Heart: Never Say Goodbye, unti-unti nang nawawalan ng pag-asa si Joyce (Klea Pineda) na mabuhay dahil sa lumalang kondisyon nito.
Dahil dito, pumunta si Nay Susan (Snooky Serna) kay Bruce (Jak Roberto) at pinakiusapan na tulungan si Joyce na huwag sumuko sa sakit nito. Nakiusap rin ang una kay Victoria na kung maaaring alagaan muna ni Bruce si Joyce para tuluyang lumaban ang huli sa cancer nito.
Para maisalba ang relasyon nilang mag-asawa, pumayag si Victoria (Lauren Young) na ipahiram muna si Bruce kay Joyce hanggang sa mga huling sandali nito. Hindi naman napigilan na maiyak ng una nang makitang masaya na magkasama ang kanyang asawa at ang dating nobya nito.
Naging emosyonal ang pagdiriwang ng kaarawan ni Joyce dahil may posibilidad na ito na ang huling pagkakataon na makasama ang kanyang mga mahal sa buhay.
Isang magandang balita naman ang hatid ni Dra. Darla Delos Reyes (Shermaine Santiago) kay Joyce nang sabihin ng una na mayroong alternative treatment for breast cancer na nasa clinical trial pa lamang. Nagapasalamat si Joyce sa kanyang doktor ngunit hindi nito agad tinanggap na sumailalim pa sa treatment.
Nagkaroon naman ng masayang salu-salo sina Joyce at ang kanyang mga kaibigan upang maramdaman ng una na normal pa rin ang buhay nito.
Nang dahil sa isang nakakakilabot na premonition, pumayag na si Joyce na sumailalim sa clinical trial na maaaring maging lunas sa kanyang sakit.
Tila hindi naman nagustuhan ni Victoria ang pagpayag ng dating nobya ng kanyang asawa na dumaan sa clinical trial dahil natatakot ito na kapag gumaling si Joyce ay iiwanan siya ni Bruce.
Gagana kaya ang alternative treatment na ito kay Joyce? Ilan lamang 'yan sa dapat abangan sa huling limang araw ng Stories From The Heart: Never Say Goodbye, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Never Say Goodbye: A final request for Victoria | Stories From The Heart (Episode 21)
Never Say Goodbye: Victoria, handang ipahiram si Bruce? | Stories From The Heart (Episode 22)
Never Say Goodbye: Bruce and Joyce's final date | Stories From The Heart (Episode 23)
Never Say Goodbye: Bagong pag-asa ni Joyce | Stories From The Heart (Episode 24)
Never Say Goodbye: Joyce's haunting premonition | Stories From The Heart (Episode 25)
Samantala, muling balikan ang mga kaganapan noong ikaapat na linggo ng Never Say Goodbye sa gallery na ito.