
Labing-siyam na taong gulang pa lamang daw si Arnel Flores ay nakagawa na siya ng isang malaking parol. Kaya naman nang makabisado niya na kung paano ito gawin ay nagtuloy-tuloy na siya hanggang sa iba't ibang klase pa ng mga giant lanterns.
Pero hindi raw siya dumaan sa teknikal na pag-aaral sa paggawa ng mga higanteng parol kaya naman hindi niya sukat-akalain na makagagawa siya ng award-winning giant lanterns. Sa katunayan, limang beses na raw naging grand champion sa lantern festival si Arnel sa San Fernando City, Pampanga.
Kuwento niya sa Stories of Hope, "Simula noong gumawa ako ng malaking parol at sumali sa lantern festival mahigit tatlong dekada na...naging grand champion ako lalo akong sumikat [bilang parol maker]."
Dala ng hirap ng buhay, mas pinagtuunan na lang daw ng oras ni Arnel ang lantern making upang makatulong sa kaniyang pamilya.
"Yung pamilya ko mahirap talaga, nanay ko kasama namin sa pagtitind ng tinapay, yung tatay ko gumagawa siya ng sapatos kaya ang natapos ko lamang ay high school, " kuwento ng parol maker.
Paglilinaw niya, hindi rin daw madali ang pagagawa ng mga malalaking parol, mabusisi at dapat nakaplano raw ang lahat mula sa layout, pattern, pagkukulay, at pagkakabit ng mga electric wires para sa pagpapailaw.
Dahil sa kaniyang pagsisikap, ang kanyang higanteng parol ay naging tulay rin upang magtagumpay ang kanyang pamilya. Mula rin sa kaniyang kinikita sa parol making ay napagtapos ni Arnel ang kaniyang nag-iisang anak na si Mark Niño Flores sa kursong civil engineering.
Minana na rin Mark ang paggawa ng parol at nag-umpisa siyang gumawa nito sa edad lamang na labing-pitong taong gulang.
Nais din daw maipagpatuloy ng mag-ama ang makulay na tradisyon ng San Fernando City, Pampanga pagdating sa kalidad na lantern making.
Panoorin ang Stories of Hope at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.