
Dalawang kilalang storm chasers ang dumayo sa Pilipinas para i-monitor ang Bagyong Uwan na may international name na Fung-wong.
Kasalukuyang nasa Baler, Aurora sina Josh Morgerman ng iCyclone at James Reynolds ng Earth Uncut TV.
Galing ng Jamaica si Josh para i-monitor ang Hurricane Melissa, habang galing naman sa Leyte si James kung saan binantayan niya ang Bagyong Tino.
Ayon sa latest post ni Josh, wala pa gaanong pag-ulan sa lugar pero lumalakas na ang alon sa tabing-dagat.
"A wave got me. Crashed up over the seawall and threw me against the patio railing, then penetrated deep into the hotel restaurant. I'm ok—just scratches and bruises. A good lesson about respecting the power of water! (Watch to the end.) Typhoon FUNG-WONG (UWAN) is approaching Baler in the Philippines—just his away," aniya.
Ganito rin ang naging obserbasyon ni James na kumukuha ng footage ng paghampas ng mga alon sa isang waterfront.
"Huge weight behind some of these waves smashing into the waterfront in Baler - they're continue to grow and get heavier as the day progresses and typhoon Uwan / Fung-wong gets closer," saad niya.
Sa latest bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tinatayang magkakaroon ng heavy rainfall mula ngayong araw, November 9, hanggang bukas, November 10 dahil sa Bagyong Uwan.
Makakaranas ng mahigit 200 millimeters ng rainfall ang Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Zambales, Aurora, Nueva Ecija, Quezon, Bulacan, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, at Albay kaya posible ring makaranas ng matinding pagbaha sa mga lugar na ito.
Itinaas na ng ahensiya ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa gitnang bahagi of Aurora (San Luis, Baler, Maria Aurora, Dipaculao), Polillo Islands, sa hilagang bahagi ng Camarines Norte (Daet, Talisay, Paracale, Vinzons, Jose Panganiban, Mercedes, Basud), sa silangang bahagi ng Camarines Sur (Siruma, Caramoan, Garchitorena, Tinambac, Lagonoy), at Catanduanes.