GMA Logo Daddys Gurl teaser episode on August 8
What's on TV

Stranded si Amanda sa condo ni Barak | Teaser

By Aedrianne Acar
Published August 5, 2020 3:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Two high-speed trains derail in Spain, broadcaster reports 5 people killed
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Daddys Gurl teaser episode on August 8


Ano ang magiging reaksyon ni Stacy na may locally stranded individual (LSI) na kasama si Barak (Vic Sotto) sa condo unit? Tutukan ang kulit episode na ito na handog ng sitcom na 'Daddy's Gurl' sa August pagkatapos ng '#MPK' (Magpakailanman).

Sa ngayon na may nararanasan tayong pandemic, dapat mag-doble ingat!

Kaya ganoon na lamang ang pagkagulat ni Stacy (Maine Mendoza) na may stranger na kasama ang kanyang Batangueño daddy na si Barak (Vic Sotto) sa condominium unit.

Screenshot taken from Daddy s Gurl episode

Ang magandang babae na ito ay walang iba kung 'di ang locally stranded individual (LSI) na si Amanda (Pauleen Luna) na makikiusap sa ama ni Stacy na pansamantala siyang patuluyin, dahil na-cancel ang flight nito papuntang probinsya.

Good idea kaya na patirahin nito si Amanda o may masamang pakay ito sa tatay ni Stacy?

Paano naman tatanggapin ito ni Aling Oprah (Angelika dela Cruz) na patay na patay kay Barak?

Episode highlights on Daddy s Gurl

Walang patid na naman ang tawanan this Saturday night dahil makakasama sa patok na Kapuso sitcom ang Dabarkad na si Pauleen Luna!

Subaybayan ang kulitan at panalong episode ng Daddy's Gurl on August 8 pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).