Article Inside Page
Showbiz News
Samahan muli sina Luffy sa kanilang paglalayag sa 'One Piece: Luffy's Detective Story!' Tunghayan ito ngayong Linggo, July 12, 4:30 PM pagkatapos ng 'Wowowin.'
By MARAH RUIZ

Isa na namang bagong paglalayag ang susuungin ng mga astig na pirata ng karagatan sa One Piece: Luffy's Detective Story.
Nais manood ni Luffy at ng mga Straw Pirates ng isang play. Ang napili nilang tangkilikin ay ang Randolph Theater Group dahil sa barko ginaganap ang mga pagtatanghal nito.
Bago magsimula ang palabas, mawawala ang ilang mga aktor. Sayang, dahil ito ang pinakahuling pagganap ni Randolph na siyang leader nito!
Mahihikayat naman ni Randolph sina Luffy na humalili sa mga aktor. Maayos ang lahat hanggang intermission, kung saan malalaman ni Randolph na mga pirata pala ang mga nakuha niyang stand-in actors!
Kasapi sa Navy dati si Randolph at galit na galit siya sa mga pirata dahil ito ang dahilan ng pagkawala ng kanyang pamilya.
Bago pa man mauwi sina Randolph at Luffy sa bakbakan, darating ang Navy at aarestuhin si Randolph dahil sa pagnanakaw umano ng mga armas at pagbebenta nito sa mga pirata.
Maungkat kaya ni Luffy ang mga tunay na pangyayari sa likod nito? Matapos kaya sa kasawian ang huling pagtatanghal ni Randolph?
Samahan muli sina Luffy sa kanilang paglalayag sa One Piece: Luffy's Detective Story! Tunghayan ito ngayong Linggo, July 12, 4:30 PM pagkatapos ng Wowowin, dito lang sa GMA.