What's Hot

‘Strawberry Lane’ teen stars, nagpapatalbugan?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 10:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Natural gas discovered at Malampaya East 1 —Marcos
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Magsisimula pa lang ang 'Strawberry Lane' sa September 15 pero tila may namumuong intriga sa pagitan ng mga teen stars na bida rito.  
 

By CHERRY SUN

 
Sa pagtatapos ng Niño, ang Strawberry Lane naman ang panibagong programa na maghahatid ng pag-asa at bagong pangarap. Ngunit, nagpapatalbugan nga ba ang mga teen stars sa bagong Kapuso show?
 
Ang Strawberry Lane ay iikot sa kuwento ng apat na magkakaibigan na magtatagpo sa isang detention center for female juveniles. Ang characters na ito ay gagampanan nina Bea Binene, Kim Rodriguez, Joyce Ching at Joanna Marie Tan.
 
Kuwento ni Kim sa Balitanghali, “Hindi, wala sa isip namin ‘yung mga kumpetisyon na ganun.”
 
Dagdag pa ni Joyce, “Team namin ‘to, kaya lahat kami nagtutulungan para mapaganda rin namin ‘yung show, para ‘yun ‘yung mag-reflect sa audience.”
 
Kabilang din sa show ang ilang Kapuso young actors ngayon tulad nina Jake Vargas, Kiko Estrada, Jeric Gonzales at Rita de Guzman.
 
Gaganap dito bilang magkakapatid sina Sunshine Dizon, Christian Bautista, at Sheryl Cruz. Kasama rin sa cast sina TJ Trinindad, Boots Anson-Roa, at Chanda Romero.
 
Mapapanood na ang Strawberry Lane ngayong Lunes, pagkatapos ng 24 Oras dito sa Kapuso network.