GMA Logo Erricson 'The Reaper' Gabay
Photo by: The Reaper/FB
What's Hot

Streetball star na si Erricson 'The Reaper' Gabay, mapapanood sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published October 21, 2022 4:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Can the Philippines turn motorcycles into a tourism engine?
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Erricson 'The Reaper' Gabay


Gaganap bilang Caloy si Erricson "The Reaper" Gabay ngayong Sabado sa 'Wish Ko Lang: Nasagasaan ng Tren.'

Mapapanood ngayong Sabado, October 22, sa "Nasagasaan ng Tren" episode ng Wish Ko Lang ang tinaguriang "The Reaper" ng streetball (street basketball) na si Erricson Gabay.

Kasalukuyang mayroong 53,000 subscribers sa YouTube ang "The Reaper" at 63,000 followers naman sa Facebook, na layuning maipakilala ang streetball culture sa bansa.

Sa upcoming episode ng Wish Ko Lang, gagampanan ni Erricson ang karakter ni Caloy, isa sa streetballers na makakalaban nina Alfred (Marco Masa) at Rico (Aidan Veneracion) sa isang barangay tournament.

Ito ang unang pagkakataon na mapapanood ang "The Reaper" sa wish-granting program. Itinuturing ni Erricson na isang karangalan at magandang oportunidad ang makapag-guest sa programa dahil aniya, isa ito sa kanyang mga pangarap.

Kuwento ni Erricson, "Sobrang saya ang naging experience ko sa shoot/taping ng GMA-7 'Wish ko lang: Nasagasaan ng Tren.' Lahat sila game na game sa bawat shoot at lahat sila approachable pati mga staff. Nakakataba ng puso na makatrabaho po sila pati mga artist, isang karangalan po para sa 'kin na makasama sila sa iisang project."

Ibinahagi rin ng "The Reaper" ang natutunan niya sa "Nasagasaan ng Tren" episode.

"Ang mga natutunan ko sa naging character ko bilang Caloy ay huwag tayong magpapadala o magpapaapekto sa sinasabi ng ibang tao, lalo na 'yung pambu-bully.

"Dapat huwag nating patulan. Hanggat kaya natin umiwas, iwasan natin. Hindi porke't iiwas tayo sa gulo o away ay duwag na tayo. Isa lang 'to sa mga dapat matutunan ng ibang kabataan ngayon na nakakaranas ng pambu-bully," sabi niya.

Tampok sa "Nasagasaan ng Tren" episode ang misteryong nakakabit tungkol sa mga nasasagasaan ng tren sa lugar ng mag-asawang Sigfredo (Marlon Mance) at Theresa (Lovely Rivero).

Kalat sa lugar ng mag-asawa ang kuwento tungkol sa matandang katipunero na nangunguha raw ng buhay at kung sinumang makakita sa nilalang na ito ay tiyak daw na masasagasaan ng tren.

Huwag palampasin ang kaabang-abang na episode na ito ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.

TINGNAN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA 'WISH KO LANG' DITO: