
'It's giving' talaga ang DANCEpasikat celebration ng fun noontime program na It's Showtime!
Nitong Miyerkules (December 3), nagsama-sama ang ilan sa mga sikat na Pinoy dance troupes para sa isang groovy dance number.
Maraming madlang people ang labis na natuwa na makita muli ang iconic girl group na SexBomb Girls. Kasama si Jackie Gonzaga, game na game gumiling, kumembot, mag-split, at mapa-"Get, get aw!" ang OG SexBomb Girls.
"Puwede nga 'to sa P-pop kahapon kasi sila talaga ang reyna ng P-pop," ani Vice Ganda. "Ang saya ng may SexBomb. Alam n'yo, koni-conceptualize pa lang 'tong sayawan na 'to, kayo ang number one sa list. 'Di puwedeng wala 'yung SexBomb. Iconic."
Maliban sa kanila, nagkaroon pa ng masayayng reunion ang grupong Streetboys! Marami ang natuwa sa pinakitang dance moves nina Vhong Navarro at Jhong Hilario kasama ang ilan sa kanilang co-members sa grupo. Labis din ang saya ng boy group sa asaran at kulitan ng mga host.
Humataw din sa dance floor ang A-Team, Dance Royalties, Femme MNL, at Showtime Baby Dolls kasama sina Kim Chiu, Ion Perez, MC, at Lassy. Ipinakita naman ng SFC Lahing Kayumanggi ang Pinoy cultural side ng pagsasayaw.
Subaybayan ang 16th anniversary celebration ng It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon sa GMA at Kapuso Stream.
Samantala, balikan ang MagPOPsikat highlights sa gallery na ito.