GMA Logo Student leader Marj on Its Showtime
PHOTO COURTESY: It's Showtime
What's on TV

Student leader wins P500,000 jackpot prize in 'Laro Laro Pick'

By Dianne Mariano
Published October 23, 2025 5:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'PBB Collab 2.0': KrysTon, CapGo featured on EDSA billboards
Drunk man sets self on fire after forcing way into house
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Student leader Marj on Its Showtime


Labis ang pasasalamat ang student leader na si Marj matapos mauwi ang jackpot prize na P500,000 sa 'Laro Laro Pick' segment ng 'It's Showtime.'

Mayroong nag-uwi ng jackpot prize sa "Laro Laro Pick" segment ng noontime variety show na It's Showtime ngayong Huwebes (October 23).

Nagwagi ang student leader na si Marj matapos masagot ang katanungan tungkol sa kung ano ang popular full name ng kauna-unahang Filipinang magkakaroon ng star sa Hollywood Walk of Fame Class of 2026 sa jackpot round.

Tamang nasagot ito ni Marj na si Lea Salonga ang tinutukoy sa tanong.

Matapos manalo sa jackpot round, hindi napigilan ni Marj na maging emosyonal at labis ang kanyang pasasalamat sa programa.

“Kanina I prayed so hard kasi hindi naman po talaga… biglaan po ito. Hindi ko po alam actually kung ano magiging mga questions kasi super unpredictable po niya. Thankful po ako kay Lord for giving me this opportunity,” aniya.

Nagbigay din ng heartwarming birthday message si Marj para sa kanyang nanay na isang solo parent.

"Ma, I made it. Hindi ka man nandito personally, I know na 'yung presence mo gustong-gusto mo talaga nandidito ka personally pero since meron kang daily time in and out sa iyong work, hindi ka makapunta rito. Ngayon ma, hindi lang ako ang uuwi, I have money with me bringing home. Thank you and happy birthday, ma!" aniya.

Bago nagsimula ang jackpot round, tinanong si Marj ng host na si Vhong Navarro kung ano ang gagawin nito sa P500,000. Sinabi ng student leader na gagamitin niya ang perang iyon para sa pag-invest sa laptop para sa kanyang research, educational tour, at para na rin sa kanyang pamilya.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.