What's on TV

Stunt scenes ni Bianca Umali sa 'Sang'gre,' pinusuan online

By Kristine Kang
Published August 8, 2025 1:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PhilSA warns of debris after rocket launch from China
Student harassed on the road by rider in Bacolod City
FPJ Sa G! Flicks: 'Asedillo' | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


Labis ang pasasalamat ni Bianca Umali sa patuloy na pagsuporta ng fans!

Mas nagiging kapanapanabik ang mga eksena sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre!

Mula sa kaharian ng mga diwata hanggang sa mundo ng mga tao, tuluy-tuloy ang mga astig na action scenes ng new-gen Sang'gres at iba pang minamahal na karakter.

Isa sa mga pinaka pinag-uusapan ng netizens ang stunts ng Kapuso aktres na si Bianca Umali. Labis na pinupusuan ng viewers ang kanyang intense fight scenes bilang si Sang'gre Terra. Hanggang sa tinagurian pa nga siya ng marami bilang bagong action queen!


Bunga ang lahat ng ito ng kanyang intensive martial arts at hand-to-hand combat training. Kaya't proud at excited si Bianca na maipakita ang lahat ng kanyang stunts sa telebisyon.

Sa panayam niya kay Aubrey Carampel para sa 24 Oras, ibinahagi ni Bianca na marami pang dapat abangan sa mga susunod na episodes.

"'Yung character development niya 'yun naman ang ipinagmamalaki ko at every time na tinatanong ako e. Kung paano maggo-grow si Terra mula bata na hindi niya alam kung ano ang purpose niya hanggang sa ma-discover niya kung bakit ba siya ang itinakda," aniya.

Hindi lang fans ang humahanga sa kanyang performance, kundi pati na rin ang co-star at real-life partner na si Ruru Madrid. Kamakailan, muling nasilayan si Ruru bilang si Ybrahim kasama ang iba pang Ivtre sa Devas.

"I'm just very grateful na muling binigyan ng buhay ang aking isa sa pinaka minahal na karakter," pahayag ni Ruru.

Huwag palampasin ang susunod na mga tagpo sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: