
Narito ang isa na namang serye na maghahatid ng kilig sa inyong mga umaga, ang Something About 1%.
Isang simpleng school teacher lang si Darlene (Jeon So Min). Magbabago ang kanyang buhay nang minsang may matulungan siyang matanda na hinimatay sa likod ng kanilang paaralan.
Ang matandang ito ay si Chairman Lee (Joo Jin Mo), may ari ng ilang malalaking negosyo sa bansa. Makikita nito ang busilak na kalooban ni Darlene kaya nais niyang ipakilala ito sa kanyang apo na si Irvin (Ha Seok Jin).
Nais kasi ni Chairman na turuan ng leksiyon ang apong si Irvin na puro pera lang ang iniisip. Uutusan niya ito na makipag-date kay Darlene at kung hindi wala siyang makukuhang mana.
Papayag naman si Darlene sa usapan kapalit ng tulong ni Chairman sa maliit na paaralang pinagtatrabahuhan niya.
Kahit mala aso at pusa sa simula, unti unti rin na makikilala nina Irvin at Darlene ang isa't isa.
Maliit lang talaga ang chance na mahanap ang true love, pero makita kaya nila ito sa 1% probability na ibinigay sa kanila?
Huwag palampasin ang Something About 1%, malapit na sa GMA Heart of Asia.