
Ngayong gabi, January 13, ang big finale ng GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters.
Masaya ang aktres na si Sue Prado na maging bahagi ng serye kung saan gumanap siya bilang Belinda, ang nanay ng isa sa mga tinaguriang "flower sisters" na si Dahlia, played by Thea Tolentino.
Nagbigay siya ng maikling mensahe para sa kanyang co-stars at lahat ng nakatrabaho sa show.
"Ang mami-miss ko sa 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters' ang mga hardworking kong kasama--co-actrs, directors, staff and crew. Maraming maramign salamat sa inyo," pahayag niya.
Nagpasalamat din siya sa mga manonood na tumutok gabi-gabi sa programa.
"Para sa inyo naman na sumbaybay at sumuporta sa aming show, maraming-maraming po sa inyo. Salamat po at hanggang sa huli, sinamahan niyo kami. Ingat lagi," lahad niya.
Sa huling gabi ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters, magtitipon ang magkakapatid na sina Lily (Aiko Melendez), Violet (Beauty Gonzalez), Dahlia (Thea Tolentino), at Iris (Angel Guardian) para ipagdiwang ang paglabas ni Aurora (Isabel Rivas) mula sa ospital.
Maaresto rin si Miguel (Johnny Revilla), habang alam na ng mga pulis na may kinalaman si Divina (Maila Gumila) sa pagkamatay ni Jade Lee (Casie Banks.)
Ito na ba ang simula ng bagong pagsibol ng apat na magkakapatid?
Huwag palampasin ang big finale ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters, January 13, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Panoorin din ang exclusive livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream o kaya ay sa GMA Network app.