GMA Logo Sue Ramirez and Chit Dodd
Source: sueannadoodles (IG)
Celebrity Life

Sue Ramirez, emosyonal sa pamamaalam sa inang si Chit Dodd

By Mark Joseph F. Carreon
Published August 24, 2026 2:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan allows Jinggoy to have knee X-ray in private hospital
Alex Eala achieves new career high as world No. 18
LTO suspends license of rider who kicked traffic cone in Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

Sue Ramirez and Chit Dodd


Emosyonal at puno ng pagmamahal ang iniwang mensahe ni Sue Ramirez sa kanyang yumaong inang si Mommy Chit.

Naging madamdamin at puno ng emosyon ang naging social media post ng aktres na si Sue Ramirez kung saan namaalam siya sa kanyang pinakamamahal na inang si Concepcion Dodd o mas kilala sa tawag na “Chit.”

Sa naturang post, nagbahagi si Sue ng isang carousel ng mga larawan nila ng inang si Chit sa masasaya at memorable na mga tagpo noong ito ay nabubuhay pa. Kalakip ito ng isang madamdaming mensahe sa caption kung saan ipinahayag ng aktres ang pagmamahal at kalungkutan sa pagkawala ng minamahal na ina.

“Kung may mas mahaba pa sa habang buhay ganun kita katagal mamahalin, Mi,” sulat ni Sue sa kanyang caption.

Inamin din ng aktres na ang pagkawala ng ina ay maituturing niyang isang “masakit” na tagpo na hindi kailanman maaalis sa kanyang loob dahil sa tindi ng kanyang pagmamahal sa ina.

“Ito ang sakit na hindi mawawala sa puso ko kailanman. Hindi ko alam kung anong gagawin, Mi. Hindi namin alam kung paano mabuhay sa mundo ng wala ka,” ani ng aktres.

Sa kabila ng kalungkutan sa pagkawala ng ina, buong-puso rin ipinahayag ni Sue ang kanyang walang kapantay na pagmamahal sa ina at pasasalamat na rin sa buhay na inilaan nito para sa pag-aaruga sa kanya at sa kanilang pamilya.

“Sana alam mo na mahal na mahal ka namin at napakalaki ng puwang na iiwan mo sa aming lahat. Ang pinakapinagpapasalamat ko sa buhay ay ikaw ang naging nanay ko. Wala nang mas masakit pa sa pagkawala mo,” pahayag ni Sue.

“Salamat sa lahat, Mi. Para sa buhay na binigay mo, para sa lahat ng pagiintindi at pagpapasensya, sa mga lambing at tawa, sa pagmamahal mo na hindi kayang pantayan ng kahit sino,” dagdag pa niya.

Isang pangako naman sa ina ang binitawan ni Sue at sinabing habambuhay nilang sasariwain ang mga magagandang alaala nito.

“Hinding-hindi kami titigil na pag-usapan ka at ipagmalaki sa lahat ng tao na anak kami ni Chit. Sobrang mamimiss kita, Mi,” sulat ni Sue.

Tinapos naman niya ang kaniyang mensahe sa isang pagpapamalas ng labis na pagmamahal sa yumaong ina: “Mahal na mahal na mahal kita. Hanggang sa Muli, Mi.”

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles)

Matatandaang noong Enero ay nanawagan si Sue sa publiko para sa blood donation matapos sumailalim sa open-heart surgery ang kanyang ina.

Pagkalipas ng isang linggo, ibinahagi ni Sue na tapos na ang surgery ng kanyang ina at kasalukuyan na itong nagpapagaling, habang patuloy siyang humihingi ng panalangin para sa mabilis nitong recovery.

Pumanaw ang ina ni Sue na si Mommy Chit noong Agosto 17.

Related Gallery: Photos that shows the beauty of Sue Ramirez