
Napuno ng excitement ang Dance Universe dahil ginanap na ang final dance battle sa Stars on the Floor 2026.
Ngayong Linggo, May 31, itinanghal sina Sugar Mercado at HORI7ON Jeromy bilang Ultimate Dance Star Duo matapos maghatid ng hindi malilimutang performance sa viewers.
Sa piyesang ginawa ni Coach Jimloyd, kitang-kita at ramdam na ramdam ang pusong ibinuhos nila sa kanilang huling pagtatanghal.
Emosyonal na nagpasalamat sina Sugar at Jeromy sa kanilang pagkapanalo at inialay ito sa kanilang mga mahal sa buhay at sa Panginoon.
"Lord Jesus Christ, maraming salamat. Ikaw na 'to. Ikaw 'to, walang iba," pasalamat ni Sugar.
"First of all, gusto kong magpasalamat sa mga nanood. [Daddy], nandito na ako oh, nanalo," saad ni Jeromy.
Nakalaban nina Team SUMY (Sugar Mercado x HORI7ON Jeromy) sa dance showdown ang Team CHAO (Chanty Videla x Alamat Jao).
Noong Season 1 ng dance competition, kinilala sina Rodjun Cruz at Dasuri Choi bilang kauna-unahang Ultimate Dance Star Duo.
Congratulations!
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa Stars on the Floor 2026: