
Noong Linggo, March 1, ipinamalas ng celebrity at P-pop dance stars ang kakaibang hataw sa dance floor sa Stars on the Floor 2026.
Sa naturang episode, sina Sugar Mercado at HORI7ON Jeromy ang nagwagi bilang 2nd top dance star duo matapos nilang mapahanga ang dance authorities at viewers sa kanilang Open Choreography performance.
Nagmistulang mga estudyante sina Sugar at Jeromy sa kanilang kwela ngunit maangas na performance.
Nakalaban nina Sugar at Jeromy sina Rocco Nacino at Alamat Jao sa dance showdown, na naghatid naman ng swabeng Krump performance.
Noong nakaraang linggo, sina Rocco at Calista Denise naman ang nagwagi bilang 1st top dance star duo.
Tutukan ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
Samantala, tingnan dito ang mga kaganapan sa Stars on the Floor 2026 mediacon: