GMA Logo Sugar Mercado and HORI7ON Jeromy
What's on TV

Sugar Mercado at HORI7ON Jeromy, pinatunayan ang husay bilang 2nd top dance star duo

By Karen Juliane Crucillo
Published March 2, 2026 5:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Bank robbers in Italy hold 25 people hostage
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Sugar Mercado and HORI7ON Jeromy


Nasungkit nina Sugar Mercado at HORI7ON Jeromy ang 2nd top dance star duo spot sa ikalawang dance battle ng 'Stars on the Floor' 2026.

Noong Linggo, March 1, ipinamalas ng celebrity at P-pop dance stars ang kakaibang hataw sa dance floor sa Stars on the Floor 2026.

Sa naturang episode, sina Sugar Mercado at HORI7ON Jeromy ang nagwagi bilang 2nd top dance star duo matapos nilang mapahanga ang dance authorities at viewers sa kanilang Open Choreography performance.

Nagmistulang mga estudyante sina Sugar at Jeromy sa kanilang kwela ngunit maangas na performance.

Nakalaban nina Sugar at Jeromy sina Rocco Nacino at Alamat Jao sa dance showdown, na naghatid naman ng swabeng Krump performance.

Noong nakaraang linggo, sina Rocco at Calista Denise naman ang nagwagi bilang 1st top dance star duo.

Tutukan ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.

Samantala, tingnan dito ang mga kaganapan sa Stars on the Floor 2026 mediacon: