GMA Logo Sugar Mercado
Photo source: FTWBA
What's on TV

Sugar Mercado, emosyonal sa matinding pressure ng kompetisyon sa 'Stars on the Floor' 2026

By Karen Juliane Crucillo
Published March 19, 2026 1:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cathay Pacific suspends Dubai, Riyadh flights until April 30 over Middle East war
2 men in ‘dead drop’ drug scheme nabbed in CDO
Roofing materials at food packs, hatid ng GMAKF sa mga binagyo sa Brgy. Pagsangahan | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Sugar Mercado


Sugar Mercado sa nararamdamang pressure sa 'Stars on the Floor' 2026: “Sometimes, ang bagal ko maka-pick up ng steps.”

Pinatunayan ng former SexBomb Girls member na si Sugar Mercado ang intense na labanan sa Stars on the Floor 2026.

Sa panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda noong Miyerkules, March 18, emosyonal na ibinahagi ni Sugar ang nararamdaman niyang pressure sa dance competition.

“Ano siguro po 'yung nagiging emosyonal ka kasi lalo na po sa akin. Syempre, akala nila, galing ako sa magagaling na grupo e. So, e singer naman po talaga akong pumasok. Parang ang aga ko po talagang naging artista, parang konti lang 'yung length na sumayaw talaga ako,” pahayag ni Sugar.

Inamin ng dancer na isang “malaking pasan” para sa kanya ang makilala bilang bahagi ng isang magaling na girl group, lalo na't aniya, wala talaga siyang alam sa iba't ibang dance genre.

Dagdag pa niya, “Alam ko 'yung mga simple lang, 'yung mga TikTok, TikTok ganyan. Pero 'yung mga genre na bumabali 'yung kaluluwa mo, hindi talaga. Si Ate Aira 'yun.”

Ikinuwento rin niya na napaiyak siya sa isang rehearsal dahil sa matinding pagod.

“Pero siguro naging emosyonal ako dahil pagod na rin po ganyan na kailangan pareho kayo ng lakas. Kailangan pareho kayo ng galaw, e 'yung mga kasama ko po talaga, kompetisyon po talaga 'yung mga kasama naming P-pop. Talagang lumalaban po sila international,” kuwento niya.

Sa gitna ng rehearsals, naramdaman ni Sugar ang pressure na makasabay sa galing ng ibang dancers.

“So, ang laking ano sa akin na kailangan ko magawa 'yun. Hindi ako titigil hangga't hindi ko 'to ginagawa kasi gusto ko ring maging proud 'yung mga ano ko, kids ko na kahit mahirap [ang] life, kaya mo. Kakayanin mo kasi habang nabubuhay ka, hindi pwedeng hindi mo kakayanin lahat,” dagdag niya.

Kahit nakakaramdam siya ng pagod at pressure, naniniwala si Sugar na ang talento ay maaaring matutunan kung gugustuhin.

Inamin din niya na ramdam niya ang bigat ng labanan, lalo na kapag nahuhuli siya sa steps.

“Siguro sa bigat din, alam mo 'yung araw araw kayo nagre-rehearse tapos pagod ka na rin po. Sometimes, ang bagal ko maka-pick up ng steps,” aniya.

“'Yun lang pero, I am so happy and grateful po talaga na napasama ako sa Stars on the Floor kasi dito ko talaga, alam kong mahaba 'yung pisi ko, pero dito ko mas ano ako, mas naging [patient] po,” sabi niya.

Tutukan ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.

Samantala, kilalanin dito ang iba pang celebrity dance stars sa Stars on the Floor 2026: