
Hindi napigilan ni Sugar Mercado ang kanyang kasiyahan nang muling makasama sa iisang entablado ang kanyang grupong SexBomb Girls.
Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras noong Huwebes, July 23, ibinahagi ng Stars on the Floor Season 2 champion na hindi niya inaasahang makakasama siya sa concert tour ng grupo sa Toronto, Canada.
Inamin din ng comedian-actress na mas lalo siyang natuwa dahil muling tumibay ang samahan at pagmamahalan nila ng kanyang mga ka-grupo.
"Hindi ko 'yun ine-expect," sabi niya.
Dagdag pa niya, "Natuto rin ako sa buhay na hindi ako mage-expect. Ang maganda lang sa amin dahil tumatanda na rin. Nagiging malawak na rin ang pang-unawa."
Nilinaw rin ni Sugar na maayos ang kanilang samahan bilang grupo.
"Sobrang okay. Sa hinaba-haba rin 'di ba, mapapatunayan din. Talagang love na love ko talaga 'yung mga ate ko. And I am so proud," pahayag niya.
"Si Lord lahat 'yun. Dalawang dekada, nakabalik kayo," dagdag niya.
Samantala, mapapanood si Sugar sa bagong episode ng Magpakailanman, kung saan gaganap siya bilang sarili niya sa kanyang life story ngayong Sabado, July 25, 8:15 p.m. sa GMA.
Matatandaang itinanghal na champion si Sugar sa Stars on the Floor 2026 kasama ang kanyang dance partner na si HORI7ON Jeromy.
Panoorin ang buong balita rito:
Balikan dito ang kauna-unahang reunion concert ng SexBomb Girls: