
Marami ang naghanap kay Sugar Mercado sa una at ikalawang rAWnd ng “Get, Get, Aw!: The SexBomb Concert” nang mapansing hindi ito kasama sa lineup ng mga dating miyembro nang magtanghal sila.
Kaya naman, marami ang natuwa at nagkaroon ng haka-haka na makakasama na siya sa rAWnd 3 ng concert noong mag-post ang leader ng grupo na si Rochelle Pangilinan ng video. Dito, makikita ang ilang miyembro na naghahanda nang sumayaw, bago biglang pumasok si Sugar at ginawa ang performance sana nila.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, ipinaliwanag ni Sugar kung bakit wala siya sa naunang dalawang concerts nila. Sabi ng singer-dancer, iyon ay dahil sa preparasyon at kompetisyon ng Mrs. Universe.
“Kasi po, bilang Mrs. Universe, 'yun po 'yung kasabay ng 1 and 2. The schedule is so hectic. Kaya 'yun po. Pero thank God po talaga, pinagkaloob ng Diyos na sakto lahat na nu'ng pagkatapos ko po na makoronahan, nakapag-rehearse na po ako,” pagbabahagi ni Sugar.
Nagpasalamat din siya sa production ng Stars on the Floor dahil inayos nito ang schedule at pinantay para makadalo siya sa concert. Ngayon, bukod sa local concerts ay may nakaabang na rin na national tour ang kanilang concert. Ngunit ayon kay Sugar, muntik na siyang hindi makasama dito dahil sa schedules.
BALIKAN ANG MGA NAGANAP SA NAUNANG RAWND NG SEXBOMB REUNION CONCERT SA GALLERY NA ITO:
“Ito na nga, Tito Boy, talagang grabe si Lord, dapat talaga nu'ng binigay ko 'yung schedule kay Madam May, cancel ako lahat. Sabi ko, 'Okay lang kasi gusto ko naman 'to (Stars on the Floor).' Kasi talagang kailan ko pa gagawin 'to Tito Boy, magsayaw la ng lahat ng gusto mong genre? Sabi ko, 'Okay lang,'” sabi ni Sugar.
Ngunit nang magsimula ang gulo sa Iran, natigil ang lahat ng plano ng SexBomb para sa kanilang tour at na-cancel lahat.
“Hindi ko naman ginusto na nagkagulo sa mundo, na-cancel. So ang nangyari, nare-sched, nakasama ngayon ako,” sabi ni Sugar.
Panoorin ang panayam kina Sugar dito: