GMA Logo Sugar Mercado and Herlene Hipon Girl Budol
Courtesy: sugarmercado7 (IG)
What's Hot

Sugar Mercado, may mensahe para kay Herlene 'Hipon Girl' Budol

By EJ Chua
Published April 26, 2022 4:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos: Though thankless, public service is a job that is worth it
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Sugar Mercado and Herlene Hipon Girl Budol


“So proud of you, kapatid!” - Sugar Mercado

Matapos mapabilang sa final 40 candidates para sa Binibining Pilipinas 2022, sunud-sunod na mga mensahe ang natanggap ni Herlene “Hipon Girl” Budol mula sa kanyang mga kaibigan at sa mga taong naniniwala sa kanyang kakayahan.

Isa sa mga nakikisaya sa pag-usad ni Herlene sa beauty pageant ay ang Filipino dancer, host at showbiz personality na si Sugar Mercado.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Sugar ang larawan ng False Positive star at ang kanyang nakaaantig na mensahe para rito.

Mababasa sa post ng dancer kung gaano siya kasaya at ka-proud sa mga nakakamit na tagumpay ng isa sa mga itinuturing niyang kapatid sa entertainment industry na si Herlene.

“Saksi ako sa kabutihan ng puso mo at lakas ng loob mo lalo na para sa pamilya mo, masyadong mahaba 'pag sinulat ko pa. Sabi ko nga sa 'yo, ginagabayan tayo ng Panginoong Diyos. Alam niya ang puso natin, kaya andyan ka ngayon, itinaas ka niya higit pa sa inaakala mo. So proud of you, kapatid! Simbolo ka ng taong kailanman 'di napagod mangarap. Maraming nagmamahal sa 'yo. Mahal kita at lalo mahal ka ng Diyos. Hipon ay mali, madam reyna,” sulat niya sa kanyang caption.

Isang post na ibinahagi ni Sugar Mercado (@sugarmercado7)

Matatandaang naging magkatrabaho sina Sugar at Herlene noon sa show na Wowowin, bilang co-hostw ni Willie Revillame.

Samantala, alamin ang mga qualities ni Herlene “Hipon Girl” Budol na patunay na siya ay pageant-ready sa gallery na ito: