GMA Logo Sugar Mercado
Source: masugarmercado7 (IG)
What's on TV

Sugar Mercado, paano nagsimulang sumali sa pageant?

By Kristian Eric Javier
Published July 2, 2025 1:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Sugar Mercado


Hindi man niya inaasahan, bukas naman si Sugar Mercado sa oportunidad na sumali sa mga pageant.

Bago pa nanalo sa Mrs. Universe Philippines si Sugar Mercado, nakilala muna siya bilang isa sa mga miyembro ng singing and dance group na SexBomb Girls at isa sa mga gaging host ng ilang noontime show. Ngunit paano nga ba siya napasok sa pageantry?

Sa pagbisita nila ng kapwa beauty queen na si Patricia Javier sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes (July 1), ikinuwento ni Sugar kung papaano siya nagsimula sa pagsali sa beauty pageant.

Kuwento ni Sugar, ang kauna-unahan niyang pageant ay noong sumali siya sa “TV Babe” contest noong 2001 ng Eat Bulaga sa GMA Network.

“Nag-audition lang po talaga ako, du'n na po ako nakuha na member ng SexBomb, tapos naging co-host na po ako ng Eat Bulaga,” paglalahad niya.

Pagkatapos nito ay mas pinagtuunan ni Sugar ng pansin ang kaniyang pagiging dancer at host, hanggang kalaunan ay nagsimula na rin siyang lumabas sa mga serye at sitcom. Nagtanghal din siya sa ilang comedy bars kasabay nito.

Kamakailan lang ay lumahok at nanalo si Sugar bilang Mrs. Universe Philippines 2025.

“Ang nag-udyok po talaga sa'kin dito, 'yung manager namin, si Sir Wilbert Tolentino po talaga,” sabi ni Sugar.

Pagbabahagi niya, noong una ay kinakabahan talaga siya sa pagpasok sa mundo ng pageantry lalo na at hindi naman niya linya ito. Ngunit malaki umano ang tiwala ng kanilang manager kaya napapayag na siya nito.

“Sabi niya (Wilbert), 'Kaya mo 'yan kasi magaling kang magsalita atsaka marami ka nang karanasan bilang alalay' kasi itong patimpalak na 'to, Tito Boy, hindi naman siya 'yung beauty queen ka, hindi lang 'yung matalino ka, kung ano 'yung pwede mong ibahagi sa kapwa mo, magulang, o sa mga napapaligiran mo,” sabi ni Sugar.

Ngayong October 15 ay lalaban namang muli si Sugar sa international pageant na Mrs Universe 2025, kung saan makakatunggali niya ang 35 na kandidata.

Samantala, binanggit din ni Boy ang pagiging mas maluwag na ng Miss Universe Philippines sa edad at sa iba pang limitasyon. Kaya naman tinanong niya sina Sugar at Patricia kung sumagi na ba sa isip nila ang sumali sa naturang patimpalak.

Para kay Sugar, hindi niya isasara ang kaniyang mga pinto kung sakaling dumating ang oportunidad.

“Kahit sa panaginip, imposible siyang maganap sa buhay ko, pero nangyayari. So if ibibigay ng Panginoon 'yun sa akin, tatanggapin ko ng buong puso,” sabi ng beauty queen.

Panoorin ang panayam kina Sugar at Patricia rito:

KILALANIN ANG CELEBRITIES NA PAGEANT TITLE HOLDER DIN SA GALLERY NA ITO: