GMA Logo sugar mercado
Source: Your Honor
What's on TV

Sugar Mercado, sumasahod noon ng P250 bilang SexBomb Girls member

By Aedrianne Acar
Published March 29, 2026 4:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ben&Ben to release reimagined version of 'Lifetime'
2 photojournalists killed in river incident in Itogon, Benguet

Article Inside Page


Showbiz News

sugar mercado


Sugar Mercado: "Nagsimula rin po kasi kami sa wala."

Nakakapanindig balahibo para kay Sugar Mercado na makita ang success ng SexBomb Girls Get, Get, Aw! reunion concert.

Ito ang naging pahayag ni Sugar nang maging resource person siya Your Honor Live Sessions

Kuwento niya kina Chariz Solomon at Buboy Villar, hindi biro na makita ang buhos ng pagmamahal at suporta ng fans sa SexBomb Girls.

“Imposible na dalawang dekada na kayo namahinga, may kaniya-kaniya na kayong buhay, pamilya. Iba-iba ng career, pero, ibinalik kayo [sa] isa sa [mga] pinakamalaking coliseum dito sa Pilipinas.”

Pagbibigay-diin ni Sugar, “Tatlong beses, ah, na sunod-sunod, na puno! Kahit ako, noong una parang hindi ako naniniwala, baka scam 'to. Pero, 'day, nung pumunta ako, nung umakyat na ako ng stage, nagsisigawan na 'yung mga tao, 'Hala!'”

Nagbalik-tanaw din si Sugar kung magkano ang sahod lang nila noon sa dance group.

“Nagsimula rin po kasi kami sa wala. Biruin mo sahod namin PhP250. 'Pag na-late ka pa magkano, PhP 150 na lang. Yung sakripisyo lang din namin na matulungan 'yung pamilya.

“Lahat naman kami [ay] breadwinner. Yung aim lang namin, ang nasa utak lang namin, hindi namin alam ang meaning ng pangalan namin. Ang nasa utak namin, ipapakain namin sa pamilya namin, sa magulang namin, sa mga kapatid namin.”

“And ngayon, lagi ko sinasabi kina Ate Rochelle [Pangilinan], kina Ate Aira [Bermudez], ito yung binalik ng Diyos sa atin na dapat din itrato natin na be humble rin lagi.”

“Kung ano 'yung mga narating n'yo, mararating n'yo. Kasi, umiikot ang mundo-minsan nasa taas ka, minsan nasa baba ka.”

Panoorin ang panayam nina Chariz at Buboy kay Sugar sa Your Honor video na ito:

Samantala, kinumpirma mismo ni Rochelle Pangilinan na mangyayari ang rAWnd 6 sa April 30 sa SMDC Festival Grounds in Parañaque City.

Related gallery: SexBomb Girls light up Araneta with nostalgic 'Get, Get Aw!' reunion concert