
Pangalawa sa na-eliminate ang dating Popstar Kids contender at Sugarpop member na si Cholo Bismonte sa third season ng The Clash.
Nakatungali niya ang 23 years old na si Judah Vibar sa 'Laban Kung Laban' round, kung saan itinanghal itong winner.
Base sa komento ng Asia's Nightingale na si Lani MIsalucha, natuwa siya sa ganda ng boses at singing style ni Cholo nang kantahin ang 1999 hit single ni Brian McKnight na "Home."
Saad ni Lani, "The minute you open your mouth at saka kakantahin mo na 'yung first few notes, very critical 'yon. Napakaimportante para sa mga nakikinig kasi it has to be right away solid at saka presence na agad."
Samantala, ipinahayag naman ni Christian Bautista na nakulangan siya sa fighting spirit si Cholo.
Ika ng Asia's Romantic Balladeer, "You have a habit of taking your mic away from your mouth when you sing.
"It is a habit ng ibang singers kasi, correct me if I'm wrong, hindi sure o confident sa note kaya lalayo muna 'yung mic para kung magkamali ako, 'di muna maririnig."
Panoorin ang buong performance ni Cholo dito:
Patuloy na subaybayan ang The Clash Season 3 tuwing Sabado, 7:15 p.m., at Linggo, 7:45 p.m. sa GMA-7.
Kung hindi n'yo man ito mapanood sa telebisyon, may livestreaming ang programa sa Facebook page at YouTube channel nito.