
Isang plano ang mabubuo sa isipan ni Juliet (Andrea Torres) para lamang makuha ang buhay ng identical twin niya na si Jasmine sa The Better Woman.
Sa paglayo niya sa kanyang pamilya, susubukan ni Juliet na gayahin ang kilos at salita ng kapatid para maisakatuparan ang kanyang masamang hinahangad.
Pero ano ang mangyayari kapag nalaman niya na delikado ang buhay ng kanyang twin sister?
Heto ang mga eksena na tinutukan ng mga Kapuso last August 30 sa The Better Woman.