What's Hot

Sumama sa isang underwater adventure sa 'Doraemon Movie: Nobita's Great Battle of the Mermaid King'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 29, 2020 10:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Kapuso, Sparkle stars set to bring romance, laughs, chills at MMFF starting Dec. 25
Bacolod hospital detects infection, reduces bed capacity
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News



Panoorin ang Part 1 sa October 31, pagkatapos ng 'Cross Fight B-Daman.' 
By MARAH RUIZ
 
Hangang-hanga sina Shizuka at Damulag sa mga litrato ni Suneo mula sa kanyang bakasyon sa Palau. At siyempre initsapuwera na naman niya si Nobita!
 
Kaya naman susubukan ni Doraemon na pasayahin muli ang kaibigan. Gamit ang kanyang underwater pump, mapupuno ng tubig ang siyudad at makakapag-diving na si Nobita. 
 
Makikilala naman nila si Sophia, isang babaeng hinahabol ng pating. Ibubunyag ni Nobita na nakita niyang may buntot ng isda sa halip na mga paa si Sophia. Walang maniniwala sa kanya hanggang aksidenteng maging isang sirena si Shizuka matapos mahawakan ang mga damit nito. 
 
Ibabahagi sa kanila si Sophia na may digmaan sa pagitan ng mga mermaid at mermen!
 
Matulungan kaya nila si Sophia? Bumalik na kaya sa ayos ang kanilang siyudad? 
 
Abangan ang Doraemon Movie: Nobita's Great Battle of the Mermaid King. Panoorin ang Part 1 sa October 31, pagkatapos ng Cross Fight B-Daman at ang Part 2 naman sa November 1, pagkatapos ng Tobot sa Astig Authority ng GMA!