
Kahit maulan, summer pa rin sa digital channel na I Heart Movies.
Mapapanood kasi rito ang summer barkada movie na 'G! LU.'
Pinagbidahan ito ng Kapuso hunks na sina David Licauco, Ruru Madrid, Derrick Monasterio, at iba pa.
Tungkol ito sa isang grupo ng magkakaibigan na dadayo sa La Union para sa isang huling summer adventure.
Ano ang matutunan nila sa isa't isa at sa kanilang mga sarili?
Abangan ang 'G! LU,' August 7, 9:35 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Para naman sa fans ng romantic comedy films, huwag palampasin ang 'My Best Friend's Girlfriend.'
Magkatambal dito sina Richard Gutierrez at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
Hinirang ang dalawa bilang Valentine Box-Office King & Queen sa GMMSF Box-Office Entertainment Awards noong 2009 dahil sa kanilang pagganap sa pelikula.
Abangan ang 'My Best Friend's Girlfriend,' August 3, 9:35 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.