
Maaga ang summer sa digital channel na I Heart Movies.
Mapapanood kasi rito ang summer barkada movie na G! LU.
Pinagbidahan ito ng Kapuso hunks na sina David Licauco, Ruru Madrid, Derrick Monasterio, at iba pa.
Tungkol ito sa isang grupo ng magkakaibigan na dadayo sa La Union para sa isang huling summer adventure.
Ano ang matutunan nila sa isa't isa at sa kanilang mga sarili?
Abangan ang G! LU, January 17, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Para naman sa mahilig sa drama films, nariyan ang Bamboo Flowers na mula sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes at panulat ni Aloy Adlawan.
Inspirasyon ng pelikula ang bulaklak ng kawayan na namumukadkad lamang bago tuluyang mamatay ang halaman.
Kuwento ito ng buhay ng iba't ibang tao sa Bohol na humaharap sa maraming pagbabago na nakakaapekto sa kanilang buhay.
Tampok sa pelikulang ito sina primetime action hero Ruru Madrid, Mylene Dizon, Max Collins, Irma Adlawan, Miggs Cuaderno, Barbara Miguel at marami pang iba.
Abangan ang Bamboo Flowers sa January 16, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.