
Ang pinakahihintay na tawanan under the sun ay mangyayari na ngayong April 26 at May 3!
Ang two-part summer special ng Bubble Gang ay hitik sa matitinding tawanan, non-stop kulitan, at kuwelang celebrity guests, na tiyak papawi sa stress n'yo sa mainit na panahon.
Sasama sa mga Batang Bubble sa summer episode ang viral Miss Earth Philippines a.k.a "Pambansang Jusa" na si Joy Barcoma, sexy actress Angelica Hart, Christine Samson, at Kamao actor na si Bruce Roeland.
Tampok din ngayong Linggo ang beach party ng favorite n'yong Bubble Gang characters na sina ALDIK ARAGUY (Paolo Contis ) at ang tandem nina KULOT EN KULET (played by Kokoy de Santos and Buboy Villar).
Mare-relax din kayo sa good times na hatid ng mga sketches na "Huli sa Drone," "Beach Body Mentality," at "Lifeguard."
Kaya mag-watch from home ng first part ng Bubble Gang summer episode ngayong Linggo, April 26, 6:00 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA at Kapuso Stream.
Para sa updates and exclusive content sa Bubble Gang summer special, please visit GMANetwork.com o i-follow ang social media pages ng Kapuso comedy show.
Related gallery: Bubble Gang ladies heat up the 2026 summer special