GMA Logo Jo Soo-min
What's Hot

Sundan ang mga hakbang ni Anna Lee tungo sa kanyang pangarap sa 'The Penthouse'

By Dianara Alegre
Published April 28, 2021 7:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rodrigo Duterte’s fitness to stand ICC trial to be determined by January – Conti
First Airbus A350-1000 in Southeast Asia arrives in the Philippines
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City

Article Inside Page


Showbiz News

Jo Soo-min


Subaybayan ang mahusay na pagganap ni Jo Soo-min bilang si Anna Lee sa 'The Penthouse.'

Nagsimula nang mapanood nitong Lunes, April 26, sa GMA Telelebad ang pinagkakaguluhang drama series sa South Korea, ang The Penthouse na pinagbibidahan ng mga naglalakihang pangalan sa entertainment industry sa naturang bansa.

Ang The Penthouse ay tungkol sa mayayamang pamilyang nakatira sa 100-floored luxury apartment, ang Hera Palace. Marami ang nag-aasam na tumira sa marangyang apartment dahil bukod sa magandang amenities nito, dito rin nakabatay kung gaano kalakas ang impluwensiya sa lipunan ng residente.

Iikot ang istorya sa ambisyon ng mga karakter na maipasok ang kanilang mga anak sa prestihiyosong school for arts, ang Cheong-ah Arts School. Gagawin nila ang lahat para matulungang makapasok ang mga ito sa pinapangarap na eskweklahan kahit pa sa hindi patas na laban.

The Penthouse

Ngunit hindi lamang iikot sa kanila ang istorya dahil tampok din dito ang kwento ni Anna Lee, isang orphan na pangarap maging isang sikat na opera singer.

Dahil sa kahirapan ng buhay at sunud-sunod na dagok na kanyang naranasan, iba't ibang trabaho na ang pinasok ni Anna para lamang matupad ang kanyang mga pangarap.

Isa na riyan ang pag-a-apply niya bilang tutor ng mga anak ng mayayamang pamilyang nakatira sa Hera Palace. Dahil kita sa hitsura at pananamit ni Anna na payak lamang ang kanyang pamumuhay ay mahihirapan siyang kunin ang loob ng estudyante niya na bukod sa mga spoiled brat ay mga bully rin.

Palibhasa mayayaman, wala silang pagpapahalaga sa pera at kahit pagtitiyaga sa pag-aaral ay balewala rin sa kanila.

Gayunman, pagtitiisan ito ni Anna at sisikapin niyang maging epektibong tutor kahit pa hindi siya inirerespeto ng mga ito. Ang perang kikitain niya kasi rito ang gagamitin niya para makapag-aral.

Jo Soo min

Source: soominn_jo (Instagram)

Ngunit hindi nga yata patas ang kapalaran dahil kahit mabuti ang hangarin niya sa buhay ay maiipit naman siya sa sitwasyong hindi niya kayang takasan.

Saan dadalhin si Anna Lee ng pag-aasam na matupad ang kanyang mga pangarap?

Subaybayan ang mahusay na pagganap ni Jo Soo-min bilang si Anna Lee sa The Penthouse, Lunes hanggang Huwebes, 10:50 p.m. sa GMA!

 Jo Soo min

Source: soominn_jo (Instagram)

Samantala, kilalanin ang buong cast ng The Penthouse sa gallery na ito: