What's Hot

Sunday PinaSaya: Madam Meldie, tinanggap ang hamon na paghaharap kay Simpleni kasama si Juterte

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 8, 2020 3:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan sa linggo ang pagtatapat nila!


Maligayang Araw ng Kalayaan!
 
Malaya si Madam Meldie (Tessie Tomas) na irepresenta ang kanyang anak na si Bingbong sa kanyang paghaharap kay incoming Vice President Simpleni Robredo (Joeirie Ann Pacumio) kasama si incoming President Rodney “Dugong” Juterte (Jose Manalo) sa Starbuzz.
 
Magpaparaya rin sina Aling Goreng (Joey Paras) at Melody (Arnel Ignacio) sa pagtatalo kahit may asaran na nagaganap. Makakaya kaya nilang hindi magsigawan at magsabunutan?
 
Sa kabilang dako, maglalaban-laban ang Pinoy Rak of Aegis stars na sina Kim Molina at Sweet Plantado sa Boxsing. May pasabog pang mash up si Ate Gay.
 
Matatapos naman ang Kantaserye Presents Suki to My Heart. Ano kaya ang mangyayari sa kinabukasan ng mga tauhan sa kwento pagkatapos gibain ng awtoridad ang Talipapa Don’t Preach?
 
Samantala, pag-ibig ang magiging paksa ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Bubungan Lab Stories habang nagkukuwento sa ilalim ng waiting shed kahit umuulan.
 
Magsasalubong naman ang tandem nina Boobsie at Chuchay sa Dos Lolos na sina Lolo Erning at Lolo Roger nang malaman ng mga bata ang kwento nila.
 
Sa DJ Bae, inimbitahan ng Pambansang Bae na si Alden Richards ang mang-aawit ng “Magkabilang Mundo” at “Buko” na si Jireh Lim. Maglalaro naman ang mga karakter ng morning drama na Calle Siete na sina Eula Valdez, Christian Vasquez, Patricia Tumulak, Lucky Mercado, at Taki Yamamoto sa Kantaririt.
 
Hindi naman magpapahuli ang birthday girl na si Valeen Montenegro para sa isang seksing dance performance.
 
MORE ON SUNDAY PINASAYA:

Ang pagbabalik ni Juterte at Simplenin sa Sunday PinaSaya

IN PHOTOS: Get to meet the impersonator behind Simpleni