
Para sa nalalapit nilang ika-apat na anibersaryo, ipinasilip ng Sunday PinaSaya ang kanilang paghahanda at kasama na rito ang pagpapakilala kay Pusong Gala.
Maraming pakulo at bongga ang performances na mapapanood sa anniversary celebration ng Sunday PinaSaya. Kitang-kita ito sa kanilang preparasyon para sa #SPSRoadToAnniversary.
Ngayong araw, July 28, ipinakilala na rin nila si Pusong Gala.
Sambit ni Alden Richards, “Iikot si Pusong Gala para maghanap ng mga truly inspiring individuals na ang misyon sa buhay ay magbigay-saya sa iba.”